(Kaliwa-kanan) Bobby Balcena, Benny Agbayani, Bobby Chouinard, at Chris Aguila.
Kalahating siglo ang nakalipas noong si Bobby Balcena ay naging manlalaro ng Cincinnati Reds bilang pangunahing Pilipino sa Major League Baseball. Mula noon, tatlong tao pa lamang ang sumunod sa kanya. Si Bobby Chouinard (1996-2001) ay tumuntong para sa Oakland Athletics. Si Benny Agbayani (1998-2002) ay naging kaanib ng New York Mets. At si Chris Aguila ay nagbihis para sa Florida Marlins (2004-2006). Ngunit wala sa kanila ang umunlad bilang manlalaro ng beisbol sa Pilipinas.
Si Robert Rudolph 'Bobby' Balcena ay ipinanganak ng mandarayuhang Pilipino noong Agusto 1, 1925 sa San Pedro, California. Ang 5-foot-7, 160-pound na outfielder ay nagkaroon ng kilanlin na karera sa Seattle Rainiers ng Pacific Coast League sa panahong 1950's. Sa Septyembre 16, 1956 tinawag siya ng Cincinnati Reds at nakalaro siya ng pitong laro. Sa loob ng dalawang katungkulang plate appearances, nakaskor siya ng dalawang runs bilang pinch-runner at nagkaroon rin ng isang putout sa left field. Lumipas sa mundo si Balcena noong Enero 4, 1990.
May apat-na-pung taong lumipas bago nagkaroon muli ng manlalarong may lahing Pilipino na makarating sa Major Leagues. Anak ng isang sundalong Amerikano, si Robert William 'Bobby' Chouinard ay ipinanganak noong Mayo 1, 1972 sa Olongapo, ngunit tumuntong rin siya ng America. Siya ay labing-walong taong-gulang mula ng Forest Grove, Oregon ng maging pang-limang paghirang ng Baltimore Orioles. Pinagpalit siya sa Oakland Athletics noong 1993, at sa Mayo 26, 1996 umabot siya sa Major Leagues bilang isang right-handed pitcher sa kanyang bagong tambal.
Ang 6-foot-1, 188-pound na Chouinard ay tumuloy na maglaro para sa 1998 Milwaukee Brewers, 1998-99 Arizona Diamondbacks, at 2000-01 Colorado Rockies sa loob ng limang rikaduhan sa Major Leagues. Natupad niya ang 11-8 (panalo-talo) na marka kabagay ng 4.57 earned run average sa 181 innings na kanyang pinuhol. Ang kakaisa niyang palabas sa postseason ay nangyari habang sa Arizona noong 1999 National League Divison Series kalaban ang New York Mets.
Ipinanganak si Benny Peter Agbayani Jr. ng magulang Pilipino noong Disyembre 28, 1971 sa Honolulu, Hawaii. Siya ay naging pang-tatlumpung paghirang ng New York Mets sa 1993 at ang unang laro niya sa Major Leagues ay naganap noong Hunyo 17, 1998 bilang isang outfielder. Tumuloy siya maglaro ng apat na taon sa Mets bago niya tinapos ang kanyang malaking ligang karera sa 2002 Colorado Rockies at Boston Red Sox.
Sa loob ng limang rikaduhan, ang 6-foot, 225-pound Agbayani ay nakatupad ng .274 batting average, 39 homeruns, at 156 runs batted in sa 1254 plate appearances. Nakapaglaro siya sa 1999 at 2000 postseason bilang kasapi ng Mets. Ang pinakamahusay niyang taon ay noong 2000 ng pumalo siya ng .289, 15 HR, at 60 RBI upang tulungan ang Mets na makarating sa World Series.
Ang huling kaanib sa grupong ito ay si Christopher Louis Aguila. Ipinanganak ng magulang Pilipino noong Pebrero 23, 1979 sa Redwood City, California, si Aguila ay pang-tatlong paghirang ng Florida Marlins sa 1997. Ngunit sa Hunyo 28, 2004 pa lamang ng si Aguila ay nakatapak sa Major Leagues bilang isang panlaang outfielder.
Sa loob ng tatlong rikaduhan sa Florida Marlins, natupad ng 5-foot-11, 180-pound Aguila ang .234 BA sa 141 na laro, sakop ng tatlong HR, 16 RBI, at 26 runs scored.